Huwebes, Enero 19, 2017

ORIGINAL WORKS

TAYO’Y MGA PILIPINO
NI: MARK GIL LUBAY




Sa Pilipinas, tayo’y ipinanganak
Dapat natin, ito ay ikagagalak
Sapagkat ito’y puno ng yamang  likas
Na pinaghuhugutan natin ng lakas

Dapat natin ito ay ipagmalaki
Upang ang sariling bayan ay mag-ani
Nang sa gayon tayo ay maging maunlad
At tiyak tayo’y punong-puno ng huwad

Pero bakit? Ano ang nangyari sa’tin?
Hindi natin ‘to nagawang tangkilikin
Tayo ay humahanga sa ibang bansa
At kaya’t  baya’y nawalan ng pag-asa

Tayo ay tunay na nga Pilipino
Dapat natin itong ipagtaas noo
Dahil kinagisnan natin ang baying ‘to
Ipagmalaki ang pagkataong tunay
                                                                       
Ang bansang nati’y ating iwagayway
Ipagmalaki ang pagkatong tunay
Tayo ay tunay na mga Pilipino
Dapat natin ipagtaas noo




1 komento: